Anito歌詞
添加日期:2023-09-03 時長:04分33秒 歌手:Marco BMG
作詞 : Marco Angelo Cruz
作曲 : Marco Angelo Cruz/Ralph Dela Fuente/Francis Rico Gonzales
"Sabi nga nila, kung tunay ang pagmamahal mo sa isang bagay na gusto mong gawin,
ay matututo kang huminto, huminga ng malalim, at maghintay ng mahinahon"
Eeey,
Noong walang pader naging haligi ng tahanan,
Noong walang mapuntahan ika'y naging tirahan,
Binigyan ng oras at 'di kita pinabayaan,
Sinamba na parang 'lang ibang pinaniwalaan,
Unang pumansin noong panahong walang kilala,
At walang kasama ikaw ang nakaalala,
Para 'di tumalikod at matulog lang sa kama,
Animo'y guro sulat sa pisara 'gang umaga
Magdamag nagkulong sa hawla ng may malabas na bomba,
Imbis malulong sa droga'y nagtulak ng pampabogsa,
Musika aking pangharana't lisensya para pumera,
At 'di maimpluwensya ng Alak, Usok, at Gera,
Mabilis nawili sa imahe dun sa PC at MV sa TV,
Tunog binahagi ng kalye noong panahon ng Walkman at CD
At kung kapareho kami ng idolo sa buhay na pinili,
Ang mamatay ng dahil sayo'y hinding hindi ako magsisisi
Woooh Ito ang aking Anito,
'Di tumingin sa kung sino sino,
Alam mo ba ang sinakripisyo,
Para lang madinig mo ko dito
Dito dito dito natututong makisama
At makiramdam sa kapwa
Kung may utak talangka, tuturuang mangisda
Imbis sila'y pangibabawan, tinuring na kasangga
Kesa gawin kong kasangkapan,
Isa lang ang kalaban sa harap ng salamin,
Apoy sa aking damdamin ay 'di kayang apulahin,
Dami pang dapat tapusin para patunayang 'di lang sa una magaling,
'Di na para hintayin, at ipagpabukas ang mga prutas na pwede ngayong pitasin
Walang mañana, bawal madaya
Kung tatapik ka sa tala 'di pwedeng pumara,
Lasa ng ampalaya ginamit pampagana,
Aking winalang bahala, ang ingay ng mga lata
Naging bingi na sa drama nilayo ang tenga sa mga 'di naniwala,
Sa kulturang naging bisyo, samu't sari na kapritso,
Kung sasamba ka sa piso't katanyagan ay meron kang benepisyo,
Pero kung para lang sa pamalit sa resibo nawala sa huwisyo napaikot mga ulo dahil sa bagay na 'di madadala hanggang sa nitso
Woooh Ito ang aking Anito,
'Di tumingin sa kung sino sino,
Alam mo ba ang sinakripisyo,
Para lang madinig mo ko dito
Madinig mo dito
Madinig mo dito
Madinig mo dito
Pinagaralan bawat sulok ng larong aking napili,
Sarili ang idolo kaya nananatili,
Kung mataas tingin mo sa iba, tignang maigi
Baka ang baba na ng tingin mo sa iyong sarili,
Bago magsisi, tignan ng marahan
Bakit ka nasa larangan? Para lang sa palakpakan?
Para tanghalan gatasan? Para sikat sa bansa lang?
Kaya yung mababaw ang layunin, walang lalim kadalasan
Marupok ang pundasyon kaya naman marami diyang makata na tumigil o biglaang nawala
Walang kamatayan ang pag-ibig ko sa sining kaya di mo ko nakitang duguan o salanta
Kaya maraming kalaban nagtataka, bakit di nila ko mapatumba talaga,
Parang sarangola, tumatayog ang lipad kakahatak nila sa akin pababa,
Kaya naman dapat suriin mo yang nais mo
Yang Anito mo ay simbulo ng prinsipyo mo, Huwag kang malito
Kung sarili mo, 'di masilip to iyong idolo 'di balido
kaya kapatid tandaan sana na hindi lahat ng nakitang kumikinang ay ginto