DGS('Di Gwapo Song)歌詞
添加日期:2021-04-17 時長:03分50秒 歌手:Ezro
Hindi man ako gwapo gaya nila
Hindi ako mapera tulad nila
Walang sariling kotseng dala-dala
Pero may respeto sa babae ang mahalaga
Mahal kita
Walang iba
Na hinahanap sa pagmulat ng aking mata
Mahal kita
Alam mo ba
Na bawat oras ay gusto kitang mapasaya
Palagi kang napag-uusapan pasensya na
Kasi malabo daw ang ‘yong mata sabi nila
Bakit kailangan umibig sa pangit
May sabit daw ang mukha talaga naman kalait-lait pero
Teka muna ‘di nila alam
Ang pag-ibig ko sa ‘yo talagang walang hanggan
Tipong araw-araw kitang pinagsisilbihan
Maghapon at magdamag walang halong kaplastikan (damn)
Kahit na gano’n ang tingin nila (yea)
Pero ang pagmamahal ko ay ‘di nabura (yea)
Saksi ang langit na kahit gano’n mahal kita
Alam mo ba sa dinami-daming kutsa na natanggap
Ako'y ‘di nag-iba
Hindi man ako si superman
Pero kaya kang ipaglaban
Pangakong ‘di ka iiwanan
‘Di ka bibitawan, ‘di pababayaan
Hindi man ako gwapo gaya nila
Hindi ako mapera tulad nila
Walang sariling kotseng dala-dala
Pero may respeto sa babae ang mahalaga
Mahal kita
Walang iba
Na hinahanap sa pagmulat ng aking mata
Mahal kita
Alam mo ba
Na bawat oras ay gusto kitang mapasaya
Wala nang dapat patunayan
Ayos lang kung masabihan pa ng pangit
Kahit masakit man sa damdamin ay (woop)
Palaging sasamahan hanggang hapunan
Puro tawanan lang at ulit-ulit kang liligawan (skrrt, skrrt)
Ikaw ang palaging gusto kong isipin (yea)
Araw-araw pipilitin (yea)
Mapasaya kita ikaw lang ang laging iibigin
‘Di mo kailangan pa sa ‘kin sabihin (sa ‘kin sabihin)
Oras ay sulitin tanging ikaw ang aking bituin sa dilim
Ikaw ang laging panalangin
‘Di lang nila napansin
Para bang nakapiring
Kape at gatas kasi
Kulay ko daw maitim
Itsura ko lagi diin
Pero ‘di inisip kasi ang napili ako
Inibig ako nang buo
Kahit gan’to ang itsura
Mabuti ang puso
Hindi manloloko
Pangako ‘yan ang totoo (skrrt, skrrt)
Hindi man ako si superman
Pero kaya kang ipaglaban
Pangakong ‘di ka iiwanan
‘Di ka bibitawan
Gagawin kitang prinsesa
At aking reyna
Habang buhay pangako ‘di ka na luluha
Hindi ka hahayaan
Na mag-isa
Habang buhay ulit-ulit iibigin ka (iibigin ka)
Hindi man ako gwapo gaya nila
Hindi ako mapera tulad nila
Walang sariling kotseng dala-dala
Pero may respeto sa babae ang mahalaga
Hindi man ako gwapo gaya nila
Hindi ako mapera tulad nila
Walang sariling kotseng dala-dala
Pero may respeto sa babae ang mahalaga
Mahal kita
Walang iba (walang iba)
Na hinahanap sa pagmulat ng aking mata
Mahal kita
Alam mo ba
Na bawat oras ay gusto kitang mapasaya
Mahal kita
Alam mo ba
Na bawat oras ay gusto kitang mapasaya